Ano-Anong Mga Paniniwala Ang Maituturing Mong Mali Kung Ibabatay Sa Tamang Pamantayan?

Ano-anong mga paniniwala ang maituturing mong mali kung ibabatay sa tamang pamantayan?

Mga maling paniniwala kung ibabatay sa tamang pamantayan:

Pagkapit sa patalim! Iyan ay kasabihan na ginagamit nilang katuwiran sa paggawa ng isang kasalanan kapag sila ay wala ng mabuting paraan na nasasaisip at maaaring ang buhay ay nasasangkot. Halimbawa nito ay pagpasok sa mahahalay na gawa dahil wala na silang makuhang trabaho na tatanggap sa kanila. O di kaya naman sa panahon ng isang sakuna na wala na talagang makain ang mga tao kung pinagnakawan nila ang mga tindahan upang makakain. Pamantayan mula sa Bibliya: Mateo 16:25 Dahil ang sinumang gustong magligtas ng buhay niya ay mamamatay; pero ang sinumang mamatay alang-alang sa akin ay muling mabubuhay.

Basta hindi ako nakakasakit sa iba, ako ay isang mabuting tao. Pero hindi nito isinasaalang-alag ang aktibong pagkilos ni ang pagsasakripisyo pa nga. Sapat ng hindi gumawa ng mali kahit na hindi mo ginawa ang tama. Pamantayan mula sa Bibliya: Santiago 4:17 Kaya kung alam ng isang tao kung paano gawin ang tama pero hindi niya ito ginagawa, nagkakasala siya.

Sundin ang sinasabi ng iyong puso na para bang ang tunay na kaligayahan ay nasa pagsunod sa iyong damdamin. Madalas na sa bawal na pag-ibig ay ito ang ginagawang dahilan. Pamantayan mula sa Bibliya: Jeremias 17:9 Ang puso ay higit na mapandaya kaysa anupamang bagay at desperado. Sino ang makauunawa rito?


Comments

Popular posts from this blog

Importance Of Research To Society